HIGPIT SEGURIDAD | 5,000 pulis, ide-deploy sa pagbisita ni Chinese Pres. Xi Jinping sa bansa

Aabot sa limang libong tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Highway Patrol Group (HPG) ang titiyak sa seguridad sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa November 20 hanggang 21.

Pero, paglilinaw ni PNP Highway Patrol Group Director Roberto Fajardo, ang Presidential Security Group (PSG) pa rin ang magsisilbing closed-in security ng Chinese leader.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Fajardo kung pupunta rin sa Davao City ang si Jinping na nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na iimbitahan niya ang opisyal na bumisita sa kanilang bahay.


Nabatid na naglaan ang PNP-HPG ng 12 patrol vehicles at 33 motorcycle units para sa convoy at seguridad ng delegado nito.

Facebook Comments