Manila, Philippines – Posibleng hindi isama sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong telecommunications company na papasok sa bansa.
Ayon kay Information and Communications Technology Officer-In-Charge Eliseo Rio, baka hindi na umabot sa Hulyo ang pagpili nila ng bagong telco player dahil bumabalangkas pa sila ng criteria.
Naka-depende anya ang deadline sa pag-release ng ikalawa at huling draft ng terms of reference.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na revised T.O.R. ang DICT pero giit ni Rio na ilalabas ang dokumento sa mga susunod na linggo.
Facebook Comments