Manila, Philippines – Nais na ipagbabawal ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang naging kalakaran na tuwing may natatalo sa bidding process ng proyekto ng gobyerno may mga talunang bidder ang nagpo-protesta o nagsasampa ng kaso.
Ito ang naging reaksyon ni Sotto matapos na may nag protestang talunang bidders para sa 3rd telcos na papasok sa bansa.
Ayon kay Sotto tama si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal na ang naging kalakaran na kapag may natalong bidder nagpoprotesta laban sa nanalo at sa gobyerno.
Paliwanag ng senador ito ang nagiging dahilan kung bakit laging nade-delay ang mga magagandang proyekto ng gobyerno na ang talo ay ang Filipino.
Iminungkahi ni Sotto na dapat bago pumasok ang mga aplikante para sa bidding process lumagda ng waiver ang mga ito na kapag natalo hindi sila magsasampa ng kaso.