Manila, Philippines – Inilabas na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang revised draft ng Terms of Reference (TOR) o rules and regulations sa pagpili ng ikatlong telecom player sa bansa.
Sa statement ng DICT, inilabas ang draft TOR para mapag-aralan ito ng mga stakeholders bago gawin ang public consultation sa susunod na linggo.
Nakasaad sa draft TOR, ang mga kumpanyang nais maging third telco ay dapat mayroong congressional franchise at walang outstanding liabilities.
Dapat mayroon ding paid capital na aabot sa 10 bilyong piso at limang taong karanasan sa operasyon sa telecommunication services.
Dapat ding maserbisyuhan nito ang 30% ng national population.
Nag-aalok din dapat ito ng minimum average broadband speed na aabot sa 5 megabits per second o mbps.
Ang third telco applicant ay mayroon dapat 40 billion pesos capital and operational expenditure sa loob ng limang taon.