TELECOM INDUSTRY | Papasok na 3rd party telecom player, hindi maaaring mabili ng Globe at Smart

Manila, Philippines – Hindi maaaring mabili ng dalawang malaking Telecom Companies particular ang Globe at ang Smart ang papasok na ikatlong Telcom company na nakatakdang mag-operate sa bansa simula ngayong taon.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, dapat ay kasama sa kontrata o clause ng kasunduan ng China telecom sa kanilang partner dito sa Pilipinas na hindi maaaring ibenta ang shares of stock sa Globe at sa Smart.

Ito din aniya ang gustong mangyari ni Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio dahil kung ibebenta o makukuha lang ulit ng Smart o ng Globe ang papasok na bagong telecom company ay babalik din sa duopoly ang laro sa larangan ng telecommunication sa bansa.


Inihalimbawa pa ni Andanar ang pagpasok ng Sun Cellular sa bansa na umano’y dahilan ng pagbaba ng presyo ng text at calls at nagbigay pa ng unlitext pero sa bandang huli ay nabili din ng Smart telecoms kaya bumalik ulit sa duopoly ang industriya.

Facebook Comments