Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Taguig na muling nagbukas ngayong araw ang kanilang Telekonsulta.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang Telekonsulta ay nasa pamumuno ng Taguig-Pateros District Hospital.
Maaari aniyang magpakonsulta sa mga doktor sa Pedia, Medicine, Surgery at OB-Gyne.
Aniya, para mga nais magpakonsulta, mag-text lamang sa mga cellphone number na ipinost sa kanilang official Facebook account.
Ang mga impormasyon aniya na dapat i-text ay buong pangalan ng pasyente, edad, kasarian, sakit at kung menor de edad man ang pasyente, kailangan ang pangalan ng magulang o guardian.
Dapat din aniya sabihin kung may Viber o wala at kailangan isama rin sa mensahe na nabasa at naitindihan ng isang magpapakonsulta ang Data Privacy ACT ng Telekonsulta.