Television industries, dapat ding makatanggap ng ayuda ayon sa ilang personalidad

Sang-ayon ang kampo nina Marian Rivera, Maine Mendoza at Kisses Delavin na isama ang television industries sa Small to Medium Scale Business and Enterprises category na nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Ayon sa manager ng tatlo na si Direk Carlito Siguion-Reyna, Representative ng Directors Guild of the Philippines, Inc., marami ring displaced workers mula sa entertainment industry ang nawalan ng ikabubuhay dahil sa COVID-19.

Hindi rin aniya lahat ng artista at manager ay blessed dahil may extra money na gagastusin ngayong may pandemic.


Karamihan kasi aniya sa mga ito ay no work, no pay at wala pang proyekto.

Facebook Comments