Binuksan na ngayong araw ang temporary Bailey Bridge sa Carlos P. Romulo Bridge sa Brgy. Wawa, Bayambang, Pangasinan matapos ang konstruksyon nito.
Sa ulat, sinabi ng DPWH Regional Office 1 na nailagay na nila ang 45-meter na haba ng P. Romulo Bridge.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1, ipinatupad ang one-way traffic kung saan tanging limang tonelada lamang ang maaaring dumaan na may pagitan na 20 metro sa pagdaan ng mga sasakyan.
Ang mga heavy vehicles tulad ng truck maging ang mga jeep na may pasahero ay hindi pa rin maaaring dumaan sa nasabing tulay at inabisuhang sundin ang mga itinalagang alternatibong ruta.
Maaaring dumaan sa Bayambang-San Carlos Road (Carmen Junction-Manat Road)-Aguilar Road via Bocboc Bridge-Mangatarem and vice versa, Carmen Junction-Manat Road (Bayambang-Bautista-Alcala-Sto. Tomas-Carmen, Rosales)/Manila North Road and vice versa.
Nagtalaga ang lokal na pamahalaan ng mga miyembro ng BPSO, PNP, at mga CVO upang i-monitor ang mga dadaan.
Matatandaan na noong October 20 ay gumuho ang Wawa Bridge matapos dumaan ang dalawang overloaded na truck.
Base sa imbestigasyon ng Pangasinan 4th district Engineering Office (DEO), ang dalawang truck ay may timbang na halos 70 tonelada malayo sa 20 tonelada na limit ng nasabing tulay. |ifmnews
Facebook Comments