Manila, Philippines – Naniniwala ang architect at urban planner na si Felino Palafox na taon ang bibilangin para sa rehabilitasyon ng Boracay island.
Ayon kay Palafox, sa kanilang pag-aaral, aabutin ng labing limang taon ng rehabilitasyon ng Boracay para matiyak na tatagal ang ganda ng isla.
Paliwanag ni Palafox, ang rekomendasyon ng mga concern agency na anim na buwang closure sa Boracay ay isa lamang agarang pagtatama sa mga maling nilabag ng mga establisyemento sa lugar.
Nabatid na kinumisyon si Palafox ng local government ng Malay para gumawa ng rehabilitation plan sa isla.
Kabilang sa mga ipinanukala nito ang pagpapatayo ng 7-kilometer tramway at cable cars na magkokonekta sa mga isla ng northern Aklan, Boracay, at Carabao.
Pabor din ang arkitekto sa paglilimita ng mga turista kapag sumobra na ang dami ng tao sa Boracay.