Manila, Philippines – Pormal nang dumulog sa Korte Suprema ang mga manggagawa sa Boracay na maaapektuhan ng pagsasara ng nasabing beach island.
Ang Boracay workers ay naghain sa Supreme Court ng Petition for Prohibition and Mandamus kung saan kinukuwestiyon nila ang legalidad ng kautusan ng Pangulong Duterte.
Ang petitioners ay humihirit din ng Temporary Restraining Order at Preliminary Injunction para mapigilan ang pagpapasara at pagpapa-alis sa mga negosyo sa beach island.
Kabilang sa respondents sa nasabing petisyon sina Pangulong Duterte, Executive Secretary Salvador Medialdea at DILG Officer-in-Charge Eduardo Año.
Ayon kay Atty. Angelo Karlo Guillen ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL)-Panay, hindi kailangang isara ang Boracay habang isinasagawa ang rehabilitasyon
Wala rin kasi aniyang ipinangakong tulong ang Local Government Unit (LGU) sa Boracay kaya at siguradong gutom ang aabutin ng mahigit 36,000 na manggagawa.