TEMPORARY CLOSURE | Pagpapatag sa isang forested area sa Boracay, ipinasasama din sa imbestigasyon sa Kamara

Aklan – Pinasisimulan na ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate sa Kamara ang imbestigasyon sa pagsasara ng Boracay.

Ito ay kasunod na rin ng paghahain kamakailan ng Makabayan ng House Resolution 1806 at 1846 na humihiling sa Kamara na siyasatin ang tunay na dahilan sa ginawang pagsasara sa isla.

Nais ding ipasilip ng kongresista ang napabalitang pagpapatag sa bundok at forested area sa may Barangay Yapak sa Boracay.


Nakapagtataka umano na environment conservation ang isinusulong kaya ipinasara ang Boracay pero ginagawang patag ito ngayon na siya namang palaisipan din sa mga residente.

Kaugnay dito ay inihain ng Makabayan ang resolusyon na nagpapaimbestiga sa Boracay closure dahil din sa pagtatayo ng hotel casino resort at nais ding alamin ang epekto nito sa libu-libong nawalan ng trabaho sa Boracay.

Facebook Comments