Aklan – Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na uunti ang bilang ng krimen sa Boracay kasabay ng six-month closure nito.
Ayon kay PNP Region 6 Director Chief Superintendent Cesar Hawthorne Binag, puro mga minor crime incidents lamang ang kanilang naitatala.
Pero posible rin aniyang tumaas ang crime incidents lalo marami ang nawalan ng trabaho.
Subalit dahil sa kakaunti lamang ang tao sa isla, nakikita nilang bababa ang krimen.
Aabot sa 600 pulis ang nakakalat sa isla sinusuportahan sila ng 200 mula sa Philippine Army at Navy habang 100 mula sa Philippine Coast Guard (PCG).
Facebook Comments