Manila, Philippines – Magbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng aabot sa 5,000 pesos na transportation assistance sa mga migrant workers na kailangang lisanin ang Boracay kapag ipinatupad na ang anim na buwang pagsasara nito para sa rehabilitasyon.
Ayon kay DSWD Western Visayas Regional Director Rebecca Palma-Geamala, halos 300 empleyado na ang kanilang nakausap pero higit 30,000 manggagawa ang nagtatrabaho sa iba’t-ibang resort at hotel sa isla.
Aniya, nasa halos isang milyong piso ang kanilang standby fund habang pino-proseso pa ang paglalabas ng karagdagang limang milyong piso.
Facebook Comments