Temporary freeze ng rice importation, hiniling ng isang senador kay PRRD

Manila, Philippines – Umaapela si Senadora Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang itigil ang implementasyon ng rice importation hanggang sa katapusan ng December ngayong taon.

Ito ay matapos madiskubre ni Marcos sa budget hearing ng Department of Agriculture o DA na nakaimbak ngayon sa mga warehouse ng rice traders ang sangkatutak na imported rice na binili sa ilang rice-producing countries sa Asya.

Binigyang diin pa ni Marcos na may kartel  na nga sa pagpupuslit ng tone-toneladang bigas, may ‘raket’ pa ngayon ang ilang tusong rice traders sa bayaran sa warehouses.


Sinabi ni Marcos na lubhang naapektuhan na ang kita ng mahihirap na magsasaka dahil sa bumaha ng husto ang bigas matapos ipatupad ang rice tarrification law.

Sa ilalim ng batas, ay pinapahintulutan na ang importasyon ng bigas pero may kapangyarihan ang Pangulo na ipatigil ito kung nasasagasaan na ang kita ng mga magsasaka sa bansa.

Facebook Comments