Nakahanda na ang mga covered court na pagdadalhan ng mga lalabag sa ipapatupad na total lockdown sa Tondo District-1.
Ayon kay Manila Police District o MPD Director Brigadier Gen. Rolando Miranda, nasa siyam na temporary holding area ang kanilang inihanda at kabilang sa mga ito ay sa Tondo Sports Complex, gym ng Don Bosco, covered court ng Brgy. 116, 151, 28, 32, 39, 105 at 157.
Ang mga aarestuhin ay mananatili muna sa nasabing temporary holding area kung saan nakipag-ugnayan na din si General Miranda kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para humiling na magkaroon ng inquest fiscal sa mga covered court at mga doktor na susuri sa mga mahuhuling pasaway.
Nasa 803 na tauhan ng MPD ang magbabantay katuwang ang nasa 150 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force – National Capital Region.
Magsisimula ang lockdown ng alas-5:00 ng umaga ng May 3 (Linggo) hanggang alas-5:00 ng umaga ng May 5 (Martes).