TEMPORARY LIQUOR BAN, INALIS NA SA LALAWIGAN NG ILOCOS SUR

Inalis na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ang ipinatupad na temporary liquor ban matapos lagdaan ang Executive Order No. 32, Series of 2025.

Ang naturang kautusan ay pormal na nagsasa­walang-bisa sa Executive Order No. 30, na nagdeklara ng liquor ban simula Nobyembre 9, 2025, bilang bahagi ng mga hakbang pangkaligtasan habang nananalasa ang Super Typhoon Uwan.

Ayon sa probinsya, sapat na ang pagbuti ng panahon at ang pagluwag ng sitwasyon sa lalawigan upang muling pahintulutan ang pagbebenta at pag-inom ng nakalalasing na inumin.

Gayunman, paalala ng pamahalaang panlalawigan na manatili pa ring maingat ang publiko at sumunod sa mga lokal na ordinansa kaugnay ng tamang pag-inom upang maiwasan ang anumang insidente habang nagpapatuloy ang recovery operations sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments