Temporary quarantine facilities sa Pier 15, nananatili pa din COVID-19 free

Nananatiling COVID-19 free ang mga temporary quarantine facilities sa Pier 15, South Harbor sa lungsod ng Maynila.

Ang mga pasilidad ay pansamantalang tinutuluyan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs at Pinoy seafarers na na-repatriate at sumasailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Ayon kay Philippine Ports Authority o PPA General Manager Jay Santiago, wala pang positibong kaso ng COVID-19 sa Eva Macapagal Terminal, na nagsisilbing quarantine treatment facility ngayon kung saan sa kasalukuyan ay aabot sa dalawang daang indibidwal ang nananatili dito.


Sinabi pa ni Santiago na maging sa dalawang quarantine ships na nakadaong sa Pier 15, nananatiling COVID-19 free.

Higit 70 ang nananatiling Pinoy OFWs sa MV St. John Paul II habang nasa 17 naman sa MV Anthony de Padua, na pawang tinatapos ang kanilang quarantine.

Tiniyak naman ni Santiago na patuloy na ipinatutupad ang safety protocols sa mga nabanggit na quarantine facilities.

Kapag natapos naman ang 14-day quarantine, ang mga OFW ay tutulungan ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan para sa kanilang pag-uwi sa ilalim na din ng Balik-Probinsya program.

Facebook Comments