Lalaking sinita dahil walang suot na face mask, nakuhanan ng ilegal na droga

Kulungan ang tuloy ng isang lalaki matapos itong makuhanan ng ipinagbabawal na droga nang sitahin ito dahil walang suot na face mask habang nasa kalsada ito at pagala-gala.

Nakilala ang suspek na si Allan Magcalas de Luna, alyas Maestro, 36-anyos, residente ng Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nakuha mula sa kanya ang tatlong gramo ng shabu na may katumbas na halaga P20,400.


Batay sa ulat ng mga pulis, nakitang pagala-gala ang suspek sa Pasong Makipot, Barangay Putatan ng nasabing lungsod na walang sout na face mask dahilan para sitahin ito ng mga pulis na nakadeploy sa nasabing lugar.

Nakita ng mga pulis na hawak-hawak pa ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang droga.

Kaya agad naman itong inaresto at ikinulong sa Muntinlupa Police Sataion Custodial facility.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sa City Ordinance kaugnay sa hindi pagsusuot nito ng face mask habang nasa labas ng bahay.

Facebook Comments