Simula bukas, July 7, pansamantala munang ititigil ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) line 3.
Alinsunod na rin ito sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) kasunod ng dumaraming bilang ng mga empleyado ng MRT-3 na nagpopositibo sa COVID-19.
Layon ng temporary shutdown na bigyang daan ang pagsasagawa ng swab testing sa lahat ng MRT-3 personnel kabilang na ang maintenance provider at subcontractors nito.
Pumalo na sa 186 ang mga empleyado ng MRT-3 na nagpositibo ng COVID-19 kung saan 169 rito ay nakatalaga sa depot at 17 ay mga station personnel.
Facebook Comments