Temporary Siffu Bridge sa Roxas, Isabela, Pwede nang Daanan ng mga Light Vehicles!

210

Roxas, Isabela- Pwede nang madaanan ngayon ng mga light vehicles ang temporary Siffu Bridge na kumokonekta sa Brgy Sotero Nuesa at Brgy San Placido ng bayan ng Roxas, Isabela.

Bandang ala una y medya kahapon ay nagplaabas ng paanunsyo ang DPWH Region II na maari nang daanan ang naturang tulay ng mga sasakyan na hindi aabot sa sampung tonelada ang bigat.


Maaari lamang dumaan ang mga behikulo gaya ng mga Van, mga sasakyan, jeep, bus, dump trucks at mga light vehicles.

Habang pinaaalalalahanan naman ang mga Trailer trucks at mga heavy equipment na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments

From Advertisers