Temporary suspension ng Annual Confirmation of Pensioners, pinalawig pa ng SSS

Pinahaba pa ng Social Security System (SSS) ang panahon ng pansamantalang pagsuspinde sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program para sa mga SSS pensioner.

Sa abiso ng SSS, ang kumpirmasyon sa ACOP Program ay mananatiling suspendido hanggang sa huling araw ng community quarantine.

Ayon sa SSS, ang mga pension benefits ay ibibigay pa rin sa mga pensioners na may birth months mula January 2020 hanggang katapusan ng community quarantine.


Gayunman, mayroon pa ring verification process at iba pang aktibidad ukol dito.

Sa sandaling alisin na ang community quarantine, may 60 araw ang mga pensioner para ayusin ang kanilang taunang kumpirmasyon sa ACOP program mula sa huling araw ng community quarantine.

Binigyang diin ng ahensiya na kapag hindi ito nagawa ng mga pensioner, posibleng suspendihin ang kanilang pension benefits.



Facebook Comments