Temporary suspension ng visa-free entry ng mga Pinoy sa Taiwan, hindi totoo – Bello

Pinabulaanan ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Head Silvestre Bello III ang ulat na sinuspinde ang visa-free entry ng mga Pilipino sa Taiwan.

Ayon kay Bello, agad siyang nakipag-usap kay Taiwanese Representative to the Philippines Michael Pei-Yung Hsu matapos na marinig ang ulat kung saan sinabi ng ambassador na posibleng nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan.

Nag-ugat ang balita sa notice na inilabas ng Bureau of Consular Affairs ng Taiwan noong September 5 kung saan nakasaad na ipagpapatuloy nito ang visa waiver para sa US, Canada, Australia, New Zealand at iba pang mga bansa sa Europa simula September 12.


Nakasaad din doon na pansamantalang sinususpinde ng Taiwan ang visa-free entry nito sa Chile, Dominican Republic, Israel, Japan, Repunlic Of Korea, Nicaragua, Singapore, Malaysia, Thailand, Brunei, Pilipinas at Russia.

Inilarawan naman ng ambassador ang report na “false rumor.”

Facebook Comments