Tatlong bata, kumpirmadong nasawi sa sunog sa Quezon City

151
Courtesy: BFP-NCR Fire District 5 Quezon City

Kinumpirma ng Quezon City Fire District na tatlong bata ang nasawi sa nangyaring sunog sa Quezon City.

Partikular sa South 17 Father Martinez St., Brgy. Obrero kung saan 27 bahay ang natupok at nasa 81 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Kinilala ng Quezon City Fire District ang mga nasawi na sina Ezail Ragindin, 11-anyos, Elise Ragindin, 7-anyos at Nick Ragindin, 5-anyos.


Nagsimula ang sunog ng alas-11:57 ng gabi at idineklarang fire out bandang alas-3:12 ng madaling araw na inabot ng unang alarma.

Sa isang kwarto sa ikalawang palag ng bahay ni Marites Ragindin sinasabing nagsimula ang sunog kung saan posibleng hindi na nakalabas ang mga bata.

Tinatayang nasa ₱135,000.00 ng mga ari-arian ang natupok hahang inaalam pa ang sanhi nito.



Facebook Comments