TEMPORARY TOTAL BAN SA PAGPASOK NG MANOK NA MULA SA REGION 2, IPAPATUPAD SA PANGASINAN

LINGAYEN, PANGASINAN – Ipapatupad ng lalawigan ng Pangasinan ang temporary total ban sa pagpasok ng manok mula sa Region 2 matapos maiulat na may kaso ng Avian Flu sa naturang rehiyon.
Sa inilabas na Executive Order No. 0030-2022, kinumpirma ng Department of Agriculture Regional Office 2 na nasa 200 manok ang namatay dahil sa naturang virus.
Layunin ng kautusan na mapigilan ang pagpasok nito sa Pangasinan nang mapangalagaan ang poultry industry at maprotektahan ang publiko mula sa Avian Flu Disease.

Inatasan na ang Provincial Veterinary Quarantine Officers na higpitan ang pagbabantay sa mga quarantine checkpoints sa mga daang posibleng maipuslit o maidaan ang mga manok mula sa Region 2 gaya ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX at iba pang daan.
Ang mga chief executives ay inatasang paigtingin ang biosafety, hygiene at sanitation sa mga palengke atpl poultry farms. | ifmnews
Facebook Comments