TEMPORAY CLOSURE | Cash-For-Work Program ng DSWD, maari nang ma-avail ng mga apektadong residente at manggagawa sa Boracay

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maari nang ma-avail ng informal workers at mga residenteng apektado ng rehabilitasyon ng Boracay ang cash-for-work program.

Ayon sa DSWD, ang mga benepisyaryo mula sa tatlong bayan ng Balagag, Manok-Manok at Yapak ay maaring ma-access ang programa sa loob ng 30 araw.

Makakatanggap sila ng 100% ng kanilang regional wage rate na katumbas ng 323.50 pesos kada araw o 9,705 pesos kada buwan.


Dalawang klase ng trabaho ang maaring gawin sa ilalim ng programa:

Ito ay ang labor works tulad ng paghuhukay, pagdadraga, paglilinis ng kanal at drainage systems, pagtatanim ng puno, paglilinis sa mga daanan, pag-aayos sa mga shelter, pagbuwag sa illegal infrastructure at pangongolekta ng basura,
Sakop naman ng technical o office work ang pagtulong sa enumeration, task profiling, report preparation, pagsasaayos at paghahanda sa replenishment at liquidation report.

Facebook Comments