TENGGA PA RIN | Hakbang ng DOTr sa mga biniling Dalian trains, pinapalatag ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa Department of Transportation o DOTr na aksyunan na ang mga biniling Dalian trains mula sa China para sa Metro Rail Transit o MRT-line 3.

Ayon kay Gatchalian, 2 taon na ang nakakalipas ng bilihin sa Chinese company ang 3.8 billion pesos na halaga ng 48-bagon pero hanggang ngayon ay nananatiling itong nakatengga.

Diin ni Gatchalan, dapat kumilos na ngayon ang DOTr base sa findings at rekomendasyon ng independent auditor na inaasahang ilalabas sa Sabado, March 10.


January 2018 ng kunin ng DOTr at MRT-3 management ang serbisyo ng German Firm Tuv Rheinland para magsagawa ng independent audit and assessment sa nabanggit na Dalian trains.

Diin ni Gatchalian, kailangang magpasya na ang DOTr kung ano gagawin sa nabanggit na mga trains para makapaglatag na sila ng kongkretong plano kung paano susolusyunan ang problema sa palpak na operasyon ng MRT na nagdudulot ng parusa at banta sa kaligtasan ng mga pasahero nito.

Facebook Comments