Trailer Truck, Tinumbok ang Sinusundang Kotse!

Naguilian, Isabela- Galit na nagreklamo ang isang lalaki matapos tumbukin ng kasunod na trailer truck ang kanilang sinasakyang kotse kahapon March 7, 2018 sa Brgy. Magsaysay, Naguilian Isabela.

Kinilala ang drayber ng Honda Sedan na si Jesus Nieto, 36 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Magsaysay samantalang kinilala naman ang drayber ng trailer truck na si Jonathan Rivera, 31 anyos, walang asawa, drayber at residente naman ng Brgy. Caloocan, San Jose, Nueva Ecija.


Sa eksklusibong pagtutok ng RMN Cauayan News Team sa Imbestigasyon ng PNP Naguilian, napag-alaman na ang dalawang magkasunod na sasakyan ay parehong binabagtas ang timog na bahagi ng national road sa naturang lugar ng akmang magovertake si Rivera dahilan upang matumbok ang sinusundang kotse.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan sina Nieto kasama ang dalawa niyang kamag-anak upang ipasuri sa doctor.

Sa naging Panayam ng RMN Cauayan News Team kay Nieto, sinabi niya na naabala umano sila dahil patungo pa sana sila sa ospital upang magpacheck-up.

Dagdag pa niya, hindi na umano nila sasampahan ng kaso ang drayber ng trailer truck ngunit sasagutin nito ang pagpapaayos sa nasirang kotse.

Samantala, nasa kustodiya ngayon ng PNP Naguilian ang dalawang sasakyan parehong nagtamo ngpinsala sa hindi pa matukoy na halaga.

Facebook Comments