Lalong lumapit sa posibleng pagtutuos sa finals ng Wimbledon sina defending champion Roger Federer at top seed Rafael Nadal.
Pasok na kasi sa last 8 ng Grandslam event ang dalawang alamat ng tennis.
Tinalo ni Eight-time All England winner Federer si Adrian Mannarino ng France, 6-0, 7-5, 6-4.
Samantalang nanaig naman si Nadal laban kay Jiri Vesely ng ng Czech Republic, 6-3, 6-3, 6-4.
Makakaharap ni Federer si Kevin Anderson ng South Korea sa quarterfinals.
Makakalaban naman ni Nadal si Juan Martin Del Potro sa last eight.
Pasok din sa last 8 sina dating world number 1 at three-time champ Novak Djokovic at Kei Nishikori ng Japan.
Facebook Comments