Napilitang lumikas ang mga residente mula sa tatlong mga barangay sa bayan ng pikit sa lalawigan ng North Cotabato sa takot na madamay sa naganap na bakbakan sa pagitan ng mga armadong grupo sa Barangay Balongi, Balatikan at Nungu-an.
Pansamantala ngayong nasa Barangay Batulawan ang mga residente.
Ayon kay Pikit MAYOR Sumulong Sultan, pinatingnan na nito sa Municipal Social Welfare Officer ang lugar upang malaman ang sitwasyon ng mga naglikas na residente at malaman kung ano ang kanilang mga pangangailangan at nang maihatid ng lokal na pamahalaan.
Sinabi pa ni Mayor Sultan na sa tulong ng peace mechanism tulad ng ADJAG at CCCH katuwang ng 602nd brigade ng Philippine Army ay nakumbinsi ang mga nagkakabang grupo na ihinto na ang kanilang girian kaya kahapon ng hapon ay natigil na ang pagpapalitan ng putok ng mga ito.(Daisy Mangod)
PIC :GNG
Tensyon sumiklab sa Pikit, mga sibilyan apektado!
Facebook Comments