Tensyon sumiklab sa Pikit, North Cotabato dahil sa away sa Lupa

Dahil sa away sa lupa , nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya sa Barangay Bulol, Pikit, North Cotabato. Sa panayam ng DXMY kay Pikit Mayor Sumulong Sultan, sinabi nito na sumiklab nitong araw ng Sabado ang palitan ng putok sa pagitan ng pamilya Kaludin at Makalugi.

Hindi anya nagkakasundo ang naturang mga pamilya sa hangganan ng pag-aari nilang lupa na hindi lalagpas sa 10 ektarya kaya nagkaka-umpugan.

Bunsod ng palitan ng putok ng dalawang pamilya ay may ilang mga residente ang lumikas palayo sa lugar ng putukan ayon pa kay Mayor Sultan.


Sinabi pa ni Mayor Sultan na ngayong araw ay pupunta ang Municipal Social Welfare ang Development Office ang mga pamilyang lumikas upang ma-assess ang kanilang sitwasyon at upang mabigyan ng kinakailangang tunlong.

Dagdag ni Mayor Sultan sa wala namang casualty sa panig ng dalawang pamilya na naglalaban at malayo din naman sa mga sibilyan ang lugar kung saan sila nagbabakbakan.

Patuloy naman anya ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Pikit upang maresolba ang mga kahalintulad na problema sa kanilang bayan.(Daisy Mangod)

Facebook Comments