Manila, Philippines – Binigyang diin ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na dapat pangalagaan ng Pilipinas ang teritoryo nito.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang China na mangisda sa dagat ng Pilipinas.
Ayon kay Carpio – may soberenya ang bansa sa katubigang pasok sa 12 nautical miles.
May hurisdiksyon din ang Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na hanggang 200 nautical miles.
Alinman aniya sa dalawa, dapat itong protektahan ng gobyerno.
Facebook Comments