Term Sharing sa House Speakership, walang pagbabago, ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang pagbabago sa napagkasunduan nilang term sharing ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Matatandaang may ilang kongresista na ang nagpahayag na huwag ituloy ang term sharing dahil makakaapekto ito sa performance ng kabuoang 18th Congress.

Pero ayon kay Cayetano, bukas pa rin siya sakaling pumayag si Velasco na ipagpatuloy niya ang pamumuno sa Kamara.


Paglilinaw naman ni Cayetano na nananatili pa ring matatag ang napagkasunduan nila ni Velasco.

Nirerespeto rin niya ang kapasidad ni Velasco sa pamumuno.

Iginiit din ni Cayetano na kokonsultahin pa rin niya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung matutuloy ang term sharing, uupo si Velasco bilang House Speaker sa susunod na taon.

Facebook Comments