Iginiit ni Albay Represenative Joey Salceda na hindi dapat mabahala ang bansa at mga Pilipino sa terminasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Salceda, kung tutuusin ay mas kailangan tayo ng US kumpara sa kailangan natin sila.
Aniya, hindi kawalan ng bansa ang VFA dahil ga-tinga lamang ang nakukuha ng Pilipinas na tulong mula sa Estados Unidos kumpara sa Egypt at Pakistan.
Paliwanag nito, lging sinasabi ng US na strategic ally nito ang bansa pero hindi naman ito nangyari.
Hindi rin anya totoo na makatutulong ang US sa bansa sa ginagawang pang-aagaw ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
Sa katunayan ay wala naman aniyang nagawa ang mga kano sa ginagawang pambu-bully ng China sa Pilipinas gayong matagal na silang may base militar sa bansa.