Termino ng mga senador, hindi mapapaiksi sa pamamagitan lang ng resolusyon ng kamara

Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, hindi uubra ang Concurrent Resolution no. 1 na inihain sa kamara para ipabago ang tagal o iksi ng termino ng mga senador at kongresista.

Ang nabanggit na resolusyon ay inihain ni Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez para paiksiin ang termino ng mga senador habang pinapahabaan naman ang termino ng mga kongresista.

Diin ni Lacson, itinatakda ng konstitusyon ang bilang ng taon ng panunungkulan ng mga mambabatas kaya mababago lang ito kung magkakaroon ng Charter Change o Cha-Cha.


Ipinaliwanag naman ni Lacson na kailangan ng pag-apruba ng mga senador para maisagawa ang Cha-Cha.

Ayon kay Lacson, hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba kung paano magbobotohan ang mga senador at kongresista sakaling gawin ang Cha-Cha sa pamamagitan ng constituent assembly.

Facebook Comments