Terorismo, hindi maituturing na rebelyon ayon sa petitioners ng Martial Law

Manila, Philippines – Iginiit ng petitioners ng Martial Law declaration sa opening ng oral argument na hindi maituturing na aktuwal na rebelyon ang terorismo.

Ito ang sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman sa kanyang argumento sa harap ng mga mahistrado ng Supreme Court.

Aniya, mismong si Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang nagsabi na ang “acts of terrorism” ay hindi otomatikong nangangahulugan ng rebelyon.


Ito aniya ang dahilan kaya may hiwalay na batas na ipinasa ang Kongreso para parusahan ang mga sangkot sa terorismo at ito ay ang human security act.

Ipinunto pa ni Lagman na magkaiba rin ang elemento ng terorismo sa rebelyon.

Ang layunin aniya ng rebelyon, sa ilalim ng article 134 ng revised penal code ay alisin ang allegiance o katapatan sa republika ng buong bansa o hindi kaya ay mapigilan ang Pangulo o lehislatura sa pagganap ng kanilang kapangyarihan at tungkulin.

Ang layuning ito aniya ay hindi makikita sa nangyayaring gulo sa Marawi City o sa alinmang panig ng Mindanao.

Paliwanag ni Lagman, ang layunin ng Maute Group noong nakipagsagupa sa pwersa ng pamahalaan ay para protektahan at hindi madakip si Isnilon Hapilon na leader ng Abu Sayyaf Group at hindi naman para alisin ang marawi mula sa allegiance nito sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments