Manila, Philippines – Isinama na ng US State Department sa kanilang global terrorist list ang Maute group.
Mismong si US Secretary of State Rex Tillerson ang nagdesisyon na isama ang Maute sa pitong grupong kaalyado ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ayon kay Tillerson, ang Maute group ang responsable sa nangyaring gulo sa Marawi City at nasa likod ng pambobomba sa Davao City night market noong September 2016.
Kasabay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natutuwa ang Malacañang sa pagkakasama ng Maute group sa listahan.
Aniya, pagkilala ito sa naging aksyon ng gobyerno laban sa teroristang grupo.
Giit naman ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson B/Gen. Bienvenido Datuin, malaking tulong ito para masugpo ang terorismo sa Pilipinas.