Sa inilabas na abiso ng 502nd Infantry Brigade sa Camp Melchor F Dela Cruz, hinatulang guilty ng korte ang dating miyembro ng NPA sa kasong kasong violation of section 3 ng RA 9516 o unlawful manufacture, sales, acquisition, disposition, improvise or possession of explosive of incendiary device noong ika- 21 ng Abril, 2022.
Napag-alam na nag-ooperate ang dating rebelde sa mga lalawigan ng Cagayan Valley bago ito mahuli pagkatapos ng isang engkwentro laban sa mga kasundaluhan ng 86th Infantry Battalion noong 2017.
Matatandaan na noong July 26, 2017, habang nagpapatrolya ang mga kasundaluhan ng 86th Infantry Battalion, ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga teroristang grupo na tinatayang tumagal ng isang oras ang nangyaring bakbakan na nagresulta ng pagkasugat ng isang sundalo.
Matapos ang engkwentro, inikot ng kasundaluhan ang lugar at nadiskubre ang isang sugatan na NPA sa di kalayuan at dito nila nakita na may hawak itong baril na hawak na M16 rifle, may katabing backpack na may laman na isang Granada at isang (1) Night Fighting System (NFS) sa loob nito.
Binigyan agad ng paunang lunas ng mga kasundaluhan ang nahuling NPA at dinala sa community hall ng Brgy Landingan, Nagtipunan, Quirino kung saan agad itong dinala sa Quirino Medical Center upang mabigyan ng karagdagang lunas.
Si Arnold Jamias ay sinampahan ng kasong attempted murder; violation of RA 9516 (Illegal possession of explosive and incendiary device) at violation of RA 10591 (Illegal possession of firearms).
Nahaharap rin ito sa iba pang mga kaso gaya ng robbery with homicide and direct assault with double attempted murder case na isinampa ng PNP at harassment sa Maddela Police station na nangyari noong April 29, 2017.
Ayon naman kay BGen Danilo D. Benavides PA, Commander ng 502nd Infantry Brigade, ang hatol na ito ay tagumpay para sa lahat ng naging biktima ng karahasan na dulot ng mga NPA sa region at sa mamamayang Pilipino.
Labis naman ang pasasalamat ng heneral sa PTF-ELCAC legal cooperation cluster at mga stakeholders na nagpursige upang maipanalo ang laban ng mga mamamayan laban sa mga teroristang grupo.
Panawagan rin nito sa mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko na bago pa mahuli ang lahat.