MANILA – Itinaas ngayon ng Phil. National Police sa terror alert level 3 ang buong bansa kasunod ng bantang pambobomba ng Maute group.Ang deklarasyon ay mismong inihayag ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa kasabay ng pagpi-prisenta sa media sa dalawang naarestong suspek na nag-iwan ng bomba malapit sa US embassy noong Lunes ng umaga.Bunsod nito, agad na inutos ni Bato sa mga regional director ang pagsasagawa ng mahigpit na checkpoint.Kinumpirma naman ni Bato na naging daan ang testimonya ng ilang saksi, intelligence at forensics works upang matunton ang mga suspek.Aniya, pangunahing pakay ng mga suspek na gumawa ng gulo at magpakilala para mapansin sila ng teroristang grupong isis.Ayon kay Dela Rosa, unang tinarget ang luneta park ngunit ito ay pumalpakKakasuhan ang mga suspek ng conspiracy to commit terrorism habang patuloy na tinutugis ang tatlo pang kasamahan.
Terror Alert Level 3 – Itinaas Na Ng Phil. National Police Sa Buong Bansa Kasunod Ng Bantang Pagpapasabog Sa Metro Manil
Facebook Comments