Somalia – Patay ang labing walong tao sa panibagong pag-atake malapit sa Presidential Palace sa Somalia.
Unang sumabog ang isang kotse na sinundan ng sunod-sunod na putok ng baril na ikinasawi ng maraming indibidwal sa Mogadishu.
Maliban sa mga namatay, dalawampung iba pa ang nasugatan sa insidente.
Sabi ni Major Mohamed Ahmed, sumabog ang unang bomba sa gilid ng palasyo habang ang isa naman ay malapit sa isang sikat na hotel.
Inamin naman ng grupong Al-Shabab na sila ang responsable sa naturang pag-atake.
Facebook Comments