Egypt – Nagbabala ang Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Egypt matapos ang naganap na pag-atake sa isang Mosque sa Northern Sinai Peninsula.
Bagamat kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino ang nadamay sa pinakabagong terror attack, sinabi ni Philippine Ambassador Cairo Leslie Baja na mag-ingat ang mga Pinoy sa nasabing lugar at maging mapagmatyag.
Patuloy rin ang ginagawang monitoring ng DFA sa sitwasyon ng ating mga kababayan doon.
Sa pinakahuling datos, 235 na ang nasawi habang tinatayang nasa 109 na ang sugatan sa tinaguriang deadliest terrorist attack in Egypt’s modern history.
Facebook Comments