Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City, ang kahandaan sa pagbabalik-eskwela o face-to- face classes sa kanilang tertiary education.
Personal na ininspeksyon ni Mayor Rex Gatchalian ang Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV).
Sinuri ng alkalde ang mga bagong tayong Education, Arts and Sciences at Engineering Building na ilan lamang sa mga innovation ng pamahalaang panlungsod para sa kanilang mga mag-aaral.
Bukod sa mga inilatag para sa kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa COVID-19, mayroon na ring Garden Atrium, Assembly Hall at nagdadag na rin ng classrooms para matiyak na mayroong sapat na bilang ang bawat klase alinsunod na rin sa alituntinin ng limitadong face-to-face classes.
Muli namang hinimok ng lokal na pamahalaan na magbakuna na ang mga estudyante at tiyaking sumusunod sa safety protocols ng pamantasan.