Mag-oorganisa ng third-party audit mechanism ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-ARMM para mas epektibo at mahusay na maipatupad ang scholarship programs nito.
Sinabi ni TESDA-ARMM officer-in-charge Omarkhayyam Dalagan sa ginanap na konsultasyon sa mga pinuno ng technical and vocational institutes (TVIs) mula sa Maguindanao at Lanao del Sur, ang third-party audit mechanism at tugon sa mga alegasyon ng ghost scholars at ghost training.
Dito ay malalaman din ang katutuhanan sa mga data ng iskolar at attendance nito sa training kung saan sila enrolled.
Ayon pa ka Dalagan, ang third party audit ay magsisimula sa kalagitnaan ng November 2017.
Ang audit party ay bubuuin ng civil society organizations, religious sector, at youth sector.
Magsasagawa rin ng konsultasyon sa heads ng TVIs sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
TESDA-ARMM, mag-oorganisa ng third-party audit mechanism!
Facebook Comments