TESDA, hinikayat ng isang senador na magpadala ng trainer-volunteers sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette

Nanawagan si Senator Richard Gordon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na tumulong sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.

Ayon kay Gordon, pwedeng magpadala ang TESDA ng mas maraming trainers na pwedeng magboluntaryo sa pagsasaayos ng mga bahay at gusali na nasira ng Bagyong Odette.

Binanggit ni Gordon, na ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette ay nangangailangan ng technical assistance lalo na sa larangan ng electrical installation, masonry, carpentry at iba pang skills na natutunan sa mga training ng TESDA.


Diin ni Gordon, malaking tulong ang anumang pag-alalay na maipagkakaloob ng TESDA para sa pagbangon ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments