Panawagang health break ng mga guro, suportado nina Senators Hontiveros at Angara

66

Suportado nina Senator Risa Hontiveros at Sonny Angara ang panawagan ng Alliance of Concerned Teachers na dalawang linggong health break.

Diin ni Hontiveros, ang mga guro ay tao din na nai-expose sa mga sakit at nahihirapan din sa kasalukuyang sitwasyon.

Naniniwala si Hontiveros, na maaaring hindi lang ang mga guro ang may sakit kundi ang kanila ding pamilya.


Kumbinsido si Hontiveros na ang dalawang linggong break ay sapat na panahon para makapag full quarantine, makapagpahinga, makapagpagaling at maasikaso ang pangangailangan ng pamilya.

Sabi naman ni Senator Angara, triple ang bilang ng mga nagkaka-COVID sa mga opisina at eskwelahan.

Katwiran pa ni Angara, ngayong nagiging wild ang pagkalat ng COVID-19 Omicron variant ay tama at napapanahon ang panawagang dalawang linggong health break para sa mga guro.



Facebook Comments