TESDA, mag-aalok ng karagdagang foreign-language courses

Mas maraming foreign-language courses ang aalukin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko sa ilalim ng National Language Skills Center (NSLC).

Ayon sa TESDA, ilan sa mga planong supplemental languages courses ay Arabic, Mandarin, Korean, Italian at French.

Layon nitong bigyan ng competitive edge ang ating manggagawa lalo na ang nais magtrabaho sa abroad.


Sa ngayon kasi, tanging English, Japanese at Spanish Language courses pa lamang ang inaalok ng NLSC.

Noong 2021, tinatayang nasa 1,148 ang nakapagtapos sa mga foreign-language courses na nabanggit kung saan 508 dito ang nagtapos ng English Proficiency for Customer Service Workers; 450 sa Japanese Language and Culture at 190 sa Spanish Language for Different Vocations.

Karamihan sa mga kumuha nito ay mga BPO workers, OFWs, at ilang military at police uniformed personnel.

Facebook Comments