Nationwide cropping calendar, isinusulong ng DA upang maiwasan ang pagkasayang ng mga pananim

108

Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang nationwide cropping calendar upang masiguro na walang masasayang na agricultural products.

Kasunod ito ng ulat ng sangkaterbang kamatis na itinapon ng isang magsasaka sa Bukidnon dahil bagsak-presyo ito sa merkado at kakaunti lamang ang bumibili.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary for Consumer and Political Affairs Kristine Evangelista, layon ng cropping calendar na mapigilan ang oversupply ng partikular pananamim dahil malalaman ng mga magsasaka kung ano ang dapat itanim.


Dagdag pa ni Evangelista, sa pamamagitan nito ay makakapaghanap na sila ng bibili ng kanilang produkto bago pa ito anihin ng mga magsasaka.

Sa kabilang banda, handing gawaran ng DA ang mga koopertaiba na makakuha ng akmang pasilidad upang iproseso ang kamatis sa ibang produkto tulad ng sun-dried tomatoes, tomato sauce o kaya tomato juice.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) bumagsak ang produksyon ng kamatis sa 6.1% o katumbas ng 90,000 metric tons sa unang tatlong buwan ng taon kumpara sa naitalang 95,870 metric tons sa kaparehong panahon noong 2021.



Facebook Comments