TESDA, mag-aalok ng skills training para sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette

Mag-aalok ng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Odette sa Visayas.

Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapena, may koneksiyon ito sa produksyon at kontruksiyon na makakatulong sa mga residente upang maipatayo muli ang kanilang tahanan.

Partikular na i-aalok ang Carpentry at Electrical Installation sa tulong ng Regional at Provincial Offices ng TESDA.


Habang mayroon ding alok na pagsasanay para sa solar panel installation at Photovoltaic Systems Installation.

Maliban sa trabaho, may ibibigay na allowance kada araw ang TESDA para sa mga lalahok na nagkakahalaga ng P160.

Facebook Comments