Ipinag-utos ni Secretary Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa regional offices ng ahensya na magsagawa o magbigay ng training sa mga nasalanata ng Bagyong Rolly.
Aniya, may tatlong pangunahing training ang kanilang ibibigay tulad ng carpentry, food processing at livelihood.
Priority aniya na mga rehiyon na magsasagawa ng kanilang mga training ay ang Region 4-A, 4-B at 5.
Sa kanyang talumpati kaninang umaga sa TESDA Central Office ground, ikinatuwa nito na walang nasirang mga training center at regional offices ng TESDA matapos ang Bagyong Rolly.
Tiniyak naman niya na kahit ano man sakuna ang dumating sa bansa patuloy na magbibigay ng serbisyo sa bayan ang ahensya bilang katuwang ng publiko sa muling pagbangon nito mula sa isang trahedya.