TESDA, magkakaroon na ng sariling gusali sa Roxas City ayon kay Sec. Lapeña

49

Pinangunahan ni Secretary Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang ground-breaking ceremony sa pagtatayo ng provincial office building nito sa Roxas City.

Ayon kay Lapeña, kung sakaling matapos na ang nasabing gusali para sa provincial office ng ahensya matatapos na din ang 36 na taong na kanilang pangungupahan.


Naniniwala ang kalihim na isa na naman ito sa mga milestone ng ahensya, kung saan mas lalong mapapabuti at lalawak ang pagbibigay nila serbisyo sa mga nais matuto ng isang kasanayan.

Dahil aniya ang TESDA-Capiz ay mas lalong magbubukas sa mas malawak na daan para sa technical vocational education at pagsasanay.

Ang nasabing ground-breaking ceremony aniya ay ginawa noong Linggo, Enero 17, 2021.

Facebook Comments