TESDA, nagsagawa ng evaluation sa kanilang scholars

Tinukoy ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga kwalipikadong indibidwal para sa kanilang scholarship program.

Kasabay ito ng evaluation ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa potential beneficiaries ng kani-kanilang livelihood programs.

Ginawa ito ng mga ahensya kasabay ng dalawang araw na relief activity ng grupo ni Senador Bong Go para sa 2,000 residente sa Governor Generoso, Davao Oriental.


Hinimok din nila ang mamamayan na magpabakuna at kumpletuhin ang kanilang doses bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 variants.

Namahagi rin ang team ng computer tablets, mga bagong sapatos at bisikleta sa ilang residente.

Sa pamamagitan naman ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation program, nagbigay rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pinansiyal na ayuda sa bawat residente.

Habang binisita rin ng grupo ang Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City kung saan matatagpuan ang Malasakit Center.

Facebook Comments